Talumpati Ng Pangulo Ng Azerbaijan Heydar Aliyev Sa Pagpupulong Ng Permanenteng Kinatawan Ng Republika Ng Azerbaijan Sa Moscow, Noong Enero 21, 1990, Na Iniaalay Sa Kalunus-Lunos Na Pangyayari Sa Baku Noong Enero 20, 1990


Mga nagmamahal sa bayan, mga binibini’t ginoo!

Gaya ng alam ninyo, ako ang unang kalihim ng Communist Party Central Committee ng Azerbaijan sa loob ng maraming taon, miyembro ng CPSU Central Committee, and gumanap bilang unang Pangalawang Pinuno ng Gabinete ng mga Ministro ng USSR. Mahigit sa dalawang taon na mula nung ako’y nag-retiro; ako’y nagkaroon ng atake sa puso na nagbunsod ng aking pagreretiro. Ito ang unang pagkakataon mula Disyembre ng 1982, noong ako’y umalis ng Azerbaijan, na ako’y dumulog sa Permanenteng Kinatawan ng Republiks ng Azerbaijan sa Moscow, and ang trahedya sa Azerbaijan ang natgtulak sa akin upang pumunta rito. Nabalitaan ko ito kahapon and hindi ako maaaring magsawalang-bahala tungkol sa nangyari sa Azerbaijan. Una sa lahat, ako’y naparito sa Kinatawan, na isa lamang maliit na isla ng Azerbaijan sa Moscow, upang ipaabot ang aking pakikiramay sa mga mamamayan ng Azerbaijan dahil sa trahedyang nagbunsod ng karumaldumal na kinahinatnan, ang pagkamatay ng aking mga kababayan. Pangalawa, nais kong sabihin ang aking pananaw sa bagay na ito. Nakikiusap ako sa Permanenteng Kinatawan ng Azerbaijan sa Moscow Zohrablbrahimov na paratingin ang aking mga salitang nagtataglay ng matinding pagdadalamhati at ang aking taus-pusong pakikiramay sa mga mamamayan ng Azerbaijan. Sa kasamaang palad, ito lang ang aking kayang gawin sa panahong ito.

Tungkol naman sa mga pangyayari sa Azerbaijan, tinuturing ko silang iligal, paglapastangan sa demokrasya, tahasang tumutuligsa sa prinsipyo ng pakikipag-kapwa-tao at ang pagtatatag ng isang lehitimong estado. May mga ilang dahilan kung bakit naging ganito ang sitwasyon sa Azerbaijan. Hindi ko nais sabihin ang mga detalye dahil ito’y magtatagal. Ang matinding iringang-etniko sa pagitan ng Azerbaijan at Armenia ay dalawang taon na. Ang iringang ito ay bunsod ng gulo sa NagornyKarabakh at sa mga karatig-lugar nito. Ang dalawang taon ay mahabang panahon na rin para sa mga pinuno ng Azerbaijan at Armenia, ang mga matataas na opisyal ng partido at ang mga lider sa pulitiko ng mga bansa, na ayusin ang gulo, na ihinto ang matinding iringan, sigalot pangkat-etniko, at bigyang-laya ang mga tao na mamuhay ng mapayapa’t malaya, nang hindi iniisip ang kanilang lahi sa ating pangkalahatang Federative Union of Soviet Socialist Republics.

Ngunit, sa aking pananaw, ang mga kinakailangang hakbang tungkol sa bagay na ito ay hindi naisakatuparan sa loob ng dalawang taon.

Kung nagkaroon ng mga kinakailangang hakbang sa tamang panahon mula sa matataas na pinuno ng partido sa bansa tungkol sa mga pangyayari sa Nagorno-Karabakh, hindi natin matutunghayan ngayon ang paglala ng sigalot at ang kawalan sa magkabilang-panig, at ang pag-atake ng militar noong gabi ng Enero 19 hanggang 20, 1990, na nagdulot ng napakaraming kawalan.

Sa lahat ng ito, ang dating unang kalihim ng Central Committee of Azerbaijan Communist Party Abdurahman Vezirov ang dapat sisihin.

Habang nasa pinakamataas na posisyon sa Republika, wala siyang ginawa upang ayusin ang kalagayan sa Azerbaijan. Bagkus, dahil sa kanyang pinakitang ugali at paraan ng pagtatrabaho, mga desisyong-politikal, hinayaan niyang labanan siya ng tao. Hindi niya nagawang makuha ang tiwala ng tao at siya’y gumawa ng hidwaan sa pagitan niya at sa mga tao. Ang mga tao ay galit.

Sa mga pulong na tumagal ng buwan sa Baku at sa iba pang mga bayan at rehiyon sa Republika, nagkaroon ng mga pagsusumamo upang magbitiw sa pwesto ang liderato ng partido ng Republika, at may kinalaman si Vezirov sa usaping ito. Nakakapagtaka na ang problemang ito ay hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon. Kahapon lamang, matapos dalhin ang mga militar sa siyudad at ang pagpatay ay isinagawa, tumakas ng Azerbaijan si Vezirov. Iyon ay isang malaking pagkakamali. Ngunit ang nakamamatay na pagkakamali ay ang pagtatalaga sa taong ito, hindi akma sa posisyon, bilang unang kalihim ng Central Committee ng Azerbaijan Communist Party. Ngunit hindi ito ang pangunahing punto.

Nais kong magsalita nang may detalye tungkol sa trahedyang naganap noong gabi ng ika-20 ng Enero at nangyayari pa rin hanggang ngayon. Sa aking palagay, napakaraming pagkakataon upang ayusin ang gulong-politikal at kontrolin ang sitwasyon sa Azerbaijan. Sa kasamaang palad, ang mga pinuno ng Azerbaijan at ang mga matataas na pinunong-politikal ng bansa ay sinayang ang mga pagkakataong ito. Ang pangyayari sa hangganan ay maaring napigilan. Naghayag ang mga tao ng kanilang saloobin hinggil sa frontier line tatlong buwan na ang nakalilipas. Ngunit walang nagnais makita sila, o tingnan man lang ang daan palabas.

Nais kong sabihin muli: may mga posibilidad pa upang pakalmahin ang mga tao noon. Kung ang problema sa liderato ng partido ng Azerbaijan ay inayos 2-3 buwan bago ito mangyari, marahil bumuti na ang kalagayan sa bansa, at hindi na nagkaroon ng pangangailangan para magpasok pa ng military. Ako pa ri’y naniniwala na posible pa rin ang solusyon sa political na problema ng bansa, ngunit hindi ginamit ang mga posibilidad na ito, at ang bunga ay ang pagdadala ng mga sundalo ng Soviet Army at Ministry of Defense sa Baku sa gabi ng ika-20 ng Enero. Ang mga kalunus-lunos na kinahinatnan ng hakbang na ito ay alam na ng karamihan. Tinuturing ko ang desisyong ito bilang isang napakalaking pagkakamaling politikal. Hindi nila natasa mabuti ang tunay na kalagayan ng Republika at ang mga saloobin at kaisipan ng mga tao ng Azerbaijan. Wala silang koneksyon sa iba’t-ibang samahan sa publiko, kaya hindi nila naisip ang mga maaaring maging resulta.

Ang mga kinahinatnang ito ay dapat na napaghandaan, at ang mga hakbang upang mapigilan ang ganitong pangyayari ay dapat ginawa. Siya nga pala, mayroong dumating na impormasyon na sa mga biktima, karamihan sa kanila ay servicemen. Maaaring batikusin: bakit kailangang ang mga kapwa Ruso, na pinadala bunsod ng isang maling pagpapasya ng liderato ng partido, ang kailangang sumupil ng tinatawag na rebolusyon sa Azerbaijan? Ako’y nabigyang-datos tungkol sa dami ng mga sundalo sa Azerbaijan. Maraming mga sundalo ang inilipat, tulad ng Fourth Army, Caspian Military Navy, landing forces, air-defense troops, at internal troops ng Ministry of Defense. Mayroon ba talagang pangangailangan na magdala ng karagdagang sundalo rito? Kung kinailangan, ang mga sundalong naroon na ang dapat ginamit. Ang mga pinuno ng Azerbaijan na gumawa ng desisyong iyon, pinangungunahan ni A. Vezirov, ay lumikas lahat mula sa Azerbaijan, ngunit sila ang una dapat managot sa pangyayaring ito. Ang mga nagbigay rin ng maling payo sa liderato ng Republika ay dapat ding managot. Sa aking palagay, an gating mga pinuno sa Republika ay hindi nagkaroon ng pagkakataong malaman ang eksakto, totoo at obhektibong impormasyon sa tamang panahon. Ang mga pinuno ng bansa ay pinayuhan upang gumawa ng maling desisyon.

Ang mga gumawa ng karumaldumal na krimen na ito ay dapat patawan ng karampatang parusa.