Talumpati ni Heydar Aliyev, ang Pangulo ng Republika ng Azerbaijan, para sa mga Azerbaijani sa okasyon ng Marso 31, Araw ng Pagpatay sa mga Azerbaijani – 30 Marso 1999


Mga kababayan!

Sa araw na ito, nabubuhay ang Azerbaijan sa kanyang ikawalong taon ng kalayaan. Isa sa mga kinikilalang tagumpay na nakamit sa panahong ito ay ang pagkakaroon ng posibilidad na obhektibong mailarawan ang panahon at kaganapan na itinago, pinalsipika, at pinasinungalingan sa loob ng maraming taon. Isa sa mga pangyayaring ito ay ang Araw ng Pagpatay sa mga Azerbaijan, na ang anibersaryo nito ay ginugunita ngayong araw, at nakatanggap ng pulitikal at ligal na pagtatasa. 

Sa pag-gunita ng ika-31 ng Marso bilang Araw ng Pagpatay sa mga Azerbaijan, binabalikan nating muli ang ating makasaysayang nakaraan upang gunitain nang may kabigatan ng loob ang mga mapaniil na hakbang laban sa ating mga mamamayan.

Ang ating mga mamamayan ay dumanas ng malalagim na trahedya noong ika-19 at ika-20 siglo. Ang mga taga-Armenia, ay mga walang-puso at mapaniil na pumapatay sa pulitikang imperyal ng malalaking bansa, ay paulit-ulit na nilapastangan ang mga pangkat-etniko at pumatay ng mga Azerbaijani. Sila ay nagdulot ng hirap, pambansang trahedya at kamalasan sa ating mga kababayan. Daan-libong sibilyang Azerbaijani ang napatay dahil sa kanilang pangkat-etniko, napalayas sa kanilang kinagisnang tirahan, at ang mga makasaysayang tirahan ng Azerbaijan ay nawasak. 

Ang pulitika ng pagpatay sa lahi, na isinagawa ng mga nasyonalistang Armenia dahil sa pulitikang imperyal ng Russia sa pagdating ng bagong siglo at ng rehimeng Soviet noong dekada-’40 hanggang dekada-’50, ay napaigting lalo mula noong kalagitnaan ng dekada-’80 dahil sa pag-postura ng isang polisiyang “perestroika” at nagdulot ng mga bagong trahedya sa mga mamamayan ng Azerbaijan. Sa kasamaang palad, hindi nabigyan ng pandaigdigang komunidad o ng Republika ng Azerbaijan ng tamang pagtatasa ang mga madugong gawaing ito sa tamang panahon, kaya lalong nagpatuloy ang matagumpay na gawain ng mga puwersang nasyonalista at maka-kaliwa. Ang idinulot nito ay ang pagkakapatay sa daan-libong Azerbaijani at sila’y pinalayas sa kanilang mga tahanan dahil sa kanilang pangkat-etniko sa unang hakbang ng hidwaang Nagorno-Karabakh na nagsimula noon 1988. Malalaking krimen ang ginawa laban sa ating mga mamamayan na nagbunsod ng mga protesta sa Baku at iba pang bahagi ng Azerbaijan noong Enero ng taong 1990. Ang madugong pagpatay sa Khojaly ay naganap noong 1992. 

Bilang resulta ng pagpatay sa mga pangkat-etniko ng mga mapaniil na pwersa ng Armenia, higit sa isang milyon sa ating mga kababayan ang napalayas sa kanilang tahanan at isinailalim sa mga karumal-dumal na pagtrato. Sa ika-20 siglo pa lang, higit sa dalawang milyong Azerbaijani ang naging biktima ng karumal-dumal na pagpatay sa mga kamay ng ating mga kaaway. Ngunit, sa kabila ng mga hirap at kawalang-hustisya, ang ating mga mamamayan ay nakaraos, pinrotektahan ang kanilang pagnanais ng kalayaan at nagpakita ng malakas na determinasyon. 

Ngayon, tinutunghayan nating muli ang ating kasaysayan. Ipinagmamalaki natin ang ating mga tagumpay at nalulungkot sa mga nawala sa atin. Ngayon, lumabas na ang mga kondisyon upang mamuhay bilang isang malayang estado ang Azerbaijan, mamutawi ang kanyang makatarungang tinig sa mundo upang matigil na ang mga mapaniil na gawaing nangyari noong nakaraan. 

Kabilang sa ating mga pangunahing gawain ay: maitatak sa ala-ala ng kasalukuyan at susunod na henerasyon ang pagpatay na ginawa sa ating mga mamamayan sa nagdaang siglo; magkaroon ng pulitikal at ligal na pagtatasa sa mga kagagawang ito sa buong mundo; gumawa ng mga hakbang upang mawala ang mga kalunus-lunos na idinulot nito at mapigilan ang muling paggawa nito sa hinaharap. Para magawa ang mga iyon, kailangan nating magpamalas ng malakas na pambansang pagkakaisa. Kaya nating pigilan ang kahit anong paniniil at pag-atake laban sa ating mga kababayan sa pamamagitan lamang ng lakas ng loob upang magkaroon tayo ng malayang estado ng Azerbaijan, na kumakatawan sa ating pinakamahalagang tunguhin. 

Nananawagan ako sa inyo upang makiisa sa ating pakikipaglaban upang maprotektahan ang pambansang interes at karapatan ng ating mga mamamayan. 

Ang talumpating ito ay isinalin mula sa wikang Ruso tungo sa wikang Norwegian mula sa pahayagang “Bakinskiy Rabochiy,” Marso 31, 1999