TALAMBUHAY

\"\"

Heydar Alirza oglu Aliyev

Si Heydar Alirza oglu Aliyev ay ipinanganak noong ika-10 ng Mayo taong 1923 sa bayan ng Nakhchivan, Azerbaijan. Noong 1939, pagkatapos makapagtapos ng pag-aaral mula sa Unibersidad ng Nackhchivan Pedagogical, siya ay nag-aral sa kagawaran ng arkitektura ng Industrial Institute ng Azerbaijan (ngayon ay Azerbaijan State Oil Academy). Ang digmaan ang siyang humadlang upang matapos niya ang kanyang pag-aaral.

Simula ng taong 1941, si Heydar Aliyev ay naging pinuno ng kagawaran ng People’s Commissariat of Internal Affairs at ng People’s Commissariat of Soviet of Nakhchivan Autonomous Soviet Socialist Republic at noong taong 1944 siya ay ipinadala upang pangasiwaan ang organisasyon ng estado ng seguridad. Simula noon, ang pangangasiwa sa organisasyon ng estado ng seguridad, si Heydar Aliyev ay ginampanan ang posisyon bilang representanteng tagapangulo ng State Committee of Security, at simula noong taong 1967 - siya ay naging tagapangulo. Siya ay nagawaran ng rango bilang tenyete heneral. At sa taon ding iyon, siya ay nakatanggap ng espesyal na mataas ng edukasyon sa Leningrad (ngayon ay St. Petersburg), at noong taong 1957 siya ay nakapagtapos mula sa kagawaran ng kasaysayan ng Azerbaijan State University.

Noong taon 1969 ay hinalal si Heydar Aliyev bilang Unang Kalihim ng Central Committee ng Partido Komunista ng Azerbaijan (Communist Party of Azerbaijan), at pinamunuan niya ang Republika. Noong Disyembre, taong 1982, siya ay hinalal bilang kahaliling miyebro ng Political Bureau of the Central Committee of the Communist Party ng Soviet Union at itinalaga bilang unang kinatawang tagapangulo ng Gabinete ng mga Ministro (Cabinet of Ministers) ng USSR, samakatuwid siya ay naging isa sa mga pinuno ng USSR. Sa loob ng dalawampung taon, si Heydar Aliyev ay naging miyembro ng parlyamento ng Kataas-taasang Soviet (Parliament of the Supreme Soviet) ng USSR at sa loob ng limang taon bilang representanteng tagapangulo ng Kataas-taasang Soviet ng USSR.

Noong Oktubre taong 1987, si Heydar Aliyev, bilang protesta laban sa patakarang isinusulong ng Political Bureau of the Central Committee of the Communist Party ng Soviet Union at dahil na rin sa Heneral na Kalihim na si Michael Gorbachev, siya ay nag bitiw sa kanyang posisyon.

Kaugnay din dito ang naganap na trahedya noong ika-20 ng Enero, taong 1990 sa Baku ng hukbo ng sobyet, si Heydar Aliyev ay lumitaw sa Representasyon ng Azerbaijan sa Moscow ng sumunod na araw at nag pahayag na kailangang maparusahan ang mga nag organisa at mga responsable sa krimeng naganap laban sa mga mamamayan ng Azerbaijan. Bilang protesta laban sa pakunwaring patakaran sa pamumuno ng USSR, kaugnay nito ang kritikal na labanan sa Mabundok na Garabagh (Mountainous Garabagh), noong Hulyo, taong 1991, iniwan niya ang kanyang posisyon sa Partido Komunista ng Soviet Union.

Pagkatapos ng kanyang pagbabalik noong Hulyo, taong 1990, sa Azerbaijan ay nanirahan muna si Heydar Aliyev sa Baku, pagkatapos ay sa Nakhchivan, at sa parehong taon ay hinalal siya bilang representante sa Kataas-taasang Soviet ng Azerbaijan. Noong taong 1991 hanggang taong1993 ginampanan niya ang posisyon bilang tagapangulo ng Kataas-taasang Soviet ng Nagsasariling Republika ng Nakhchivan (Nakhchivan Autonomous Republic), at Representante Tagapangulo ng Kataas-taasang Soviet (Parlyamento) ng Republika ng Azerbaijan. Taong 1992, sa manghahalal na kongreso (constituent congress) ng New Azerbaijan Party, si Heydar Aliyev, ay nahalal bilang tagapangulo ng partido.

Mula buwan ng Mayo hanggang buwan ng Hunyo, bilang resulta sa matinding tensyong nagaganap sa pangpamahalaang krisis, ang buong bansa ay nasa bingit ng napipintong digmaang sibil at ang pagkawala ng kalayaan, ang mga mamamayan ng Azerbaijan ay nagnanais na maibalik si Heydar Aliyev sa kapangyarihan. Matapos nito, ang mga pinuno ng Azerbaijan ay napilitang pormal na anyayahan si Heydar Aliyev sa Baku. Noong ika-15 ng Hunyo, si Heydar Aliyev ay hinalal bilang tagapangulo ng Kataas-taasang Soviet ng Azerbaijan, at noong ika-24 ng Hulyo - sa resolusyon ng parliyamento, siya ay nagsimulang ipatupad ang kanyang kapangyarihan bilang Pangulo ng Republika ng Azerbaijan.

Noong Oktubre 3, 1993, si Heydar Aliyev ay hinalal bilang Pangulo ng Republika ng Azerbaijan. Noong Oktubre 11, 1998, siya ay nakilahok sa halalan, na naganap sa mga kondison ng mahusay na gawain ng mga mga mamamayan, siya ay nanalo na may 76.1 porsiyento na boto at muling hinalal bilang Pangulo ng Republika ng Azerbaijan. Siya ay binigyan ng pahintulot na maging kandidato sa halalan ng pagkapangulo noong ika-15 ng Oktubre taong, 2003, ngunit siya ay nagpasyang hindi tumakbo sa eleksyon, dahil na rin sa kanyang problemang pangkalusugan.

Si Heydar Aliyev ay pinarangalan sa bilang ng mga pandaigdigang mga parangal, ang mga titulo ng mga mataas na parangal na mula sa hindi mabilang na mga unibersidad, at sa iba pang matataas na parangal. Siya ay pinarangalan ng apat na beses sa Lenin Order, ang Order ng Krasnaya Zvesda at maraming pang mga medalya, at dalawang ulit bilang Bayani ng Sosyalistang Mangagawa (Socialist Labor), pinarangalan ng Orders at mga medalya mula sa maraming dayuhang estado.

Ang makasaysayang tadhana ng Azerbaijan, ay sumasaklaw sa panahon ng nakaraang tatlumpung taon, ay hindi mahihiwalay at nakaugnay na sa pangalang Heydar Aliyev. Ang pagbabalik sa mga taon na ito at sa lahat ng mga aspeto ng sosyong pampulitika, pang-ekonomiya at kultural ng buhay ay konektado sa kanyang pangalan. 
 Ayon sa panahong yaon, si Heydar Aliyev ay tumulong sa kanyang mga katutubong Azerbaijan, siya ay patuloy na nagsumikap para sa pagpapaunlad. Ipinagmamalaki niya ang mayamang kultura at dakilang makasaysayang nakaraan ng bansa. Siya ay nag-aalala patungkol sa hinaharap na makabagong henerasyon at para sa mga hakbangin ng mga Azerbaijan upang mapagtagumpay nila ng husto ang kahila-hilakbot na mga hamon ng panahon.

Bilang isang natitirang pulitiko at estadista, hindi mapag-aalinlanganang pinuno ng ​​bansa, siya ay isang buhay na alamat. Si Heydar Aliyev ay isang palatandaan ng isang nakakapukaw ng pansin. Dahil sa kanyang pampulitikang gawain bilang pinuno ng mga Azerbaijanis ang mundo ay humahanga sa kanyang buhay at sa kanyang mga gawain at malawakang naipaliwanag sa parehong Republikano at sa mundo ng mga mamamahayag.

Nakita ni Heydar Aliyev ang kasawian ng kanyang bansa, tinanggap niya at ibinalik sa mahusay na pulitika ng Azerbaijan. Tinatanggap ng mga tao ang kanyang pagbabalik ng may pag-asa at kagalakan, at ang araw na ito ay naitala sa kasaysayan ng malayang Azerbaijan bilang Araw ng Nasyonal na Kaligtasan (Day of National Salvation).